NBA Finals Warriors Cavaliers Basketball

CLEVELAND (AP) — Mas agresibong Cavaliers ang kumamada at sa isang ratsadahan nagawang maibaon ang Golden State Warriors tungo sa dominanteng 120-90 panalo sa Game Three ng best-of-seven NBA Finals, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Hataw si LeBron James sa natipang 32 puntos at 11rebound, habang kumubra si Kyrie Irving ng 30 puntos para sandigan ang kumpiyansang Cavaliers sa impresibong panalo at tapyasin ang bentahe ng Warriors sa 2-1.

Sa saliw ng hiyawan mula sa home crowd, matikas ang simula ng Cavaliers at sa kabila nang hindi paglalaro ni star forward Kevin Love na inilagay sa “concussion protocol”, nagawang buweltahan ang Warriors na nangibabaw sa Bay Area sa unang dalawang laro ng serye.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Tila linta ang depensa ng Cavs sa pambato ng Warriors kung saan nalimitahan si back-to-back MVP Stephen Curry sa 19 na puntos, gayundin sina Kyle Thompson at Dreymond Green na may 10 at 8 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna sa Golden States si Harrison Barnes na umiskor ng 18 puntos.

"We've got to give the same effort on Friday," pahayag ni James.

"It started defensively and it trickled down to the offensive side,” aniya.

Host muli ang Cavaliers sa Game Four, sa Biyernes (Sabado sa Manila).

"We were soft," sambit ni Warriors coach Steve Kerr. "When you're soft, you get beat on the glass and turn the ball over."