ali copy

NEW YORK – Bilang pagpupugay sa itinuturing na “The Greatest”, ipinangalan kay Muhammd Ali ang isang lansangan na malapit sa Madison Square Garden.

Pinalitan na ng “Muhammad Ali Way” ang dating West 33rd Street sa kanto ng MSG Arena bilang pagbibigay halaga sa kontribusyon ng kampeon hindi lamang sa sports kundi sa sangkatauhan.

Ginanap sa MSG ang ilang malalaking laban ni Ali.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ayon kay Mayor Bill de Blasio, napakahalaga sa kasaysayan ng lungsod at ng buong mundo ang katauhan ni Ali.

“Today we are paying tribute to the man in the heart of this city,” pahayag ni De Blasio.

“He deserves this naming honour and more.”

Hindi malilimot sa kasaysayan ang walong laban ni Ali sa Madison Square Garden, tampok ang klasikong “Fight of the Century” kontra kay Joe Frazier noong 1971.

Mananatili ang pangalan ng isang kalsada sa New York kung magpapasa ng batas ang city council at lalagdaan ng mayor.