Sinimulan na ng National Bureau of Investigation-Death Investigation Division (NBI-DID) ang pagpapatawag sa mga bouncer at dumalo sa Close Up Forever Summer concert noong nakaraang buwan upang mapabilis ang imbestigasyon sa pagkamatay ng limang katao kaugnay sa droga.

Sinabi ng NBI-DID na 56 na bouncer na inupahan ng Activations sa pamamagitan ng Red Knights Security ni Renato Aliwalas, ang kukunan ng pahayag ng bureau sa nangyari noong gabing iyon.

Umaasa ang bureau na pupunta ang limang bouncer sa kanilang opisina ngayong Huwebes, o mapipilitan silang ipa-subpoena ang mga ito.

Kinokontak na rin ng NBI-DID ang iba pang concertgoer kabilang na ang aktres na si Alma Concepcion na nagpaskil sa kanyang Facebook account tungkol sa nasaksihan nito sa event.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Kinumpirma din ng NBI-DID na ang ama ni Eric Leal, isa pang namatay sa concert, ay tutungo sa kanilang opisina upang makipagtulungan sa imbestigasyon. (Argyll Cyrus B. Geducos)