Angelica copy

MULING patutunayan ng award-winning actress at Hugot Queen na si Angelica Panganiban ang kahusayan sa pag-arte sa pagsabak niya sa nangungunang teleserye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano.

Gaganap si Angelica bilang si Martha, na sangkot sa lumalalang kalakalan ng droga sa bansa. Bukod kay Angelica, isang bagong karakter din ang dapat abangan sa pagpasok sa serye ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez bilang si Analyn.

Bukod sa makukulay na mga panibagong karakter, lalo pang kapana-panabik ang maaaksiyong tagpo ng serye na sa Hong Kong pa kinuhanan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anong panganib nga kaya ang hatid nina Martha at Analyn sa buhay ni Cardo (Coco Martin)? Sila nga kaya ang tunay na kalaban ni Cardo?

Huwag palampasin ang mga maaksiyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable Channel 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.