Madadagdag ang volleyball sa tatlong sports na mandatory o nararapat na salihan ng mga unibersidad na miyembro ng pinakamatandang collegiate league sa bansa sa pagbubukas ng ika-92 season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Hunyo 25 sa MOA Arena.

Sinabi ni NCAA Management Committee chairman Jose Mari Lacson ng Season 92 host San Beda na opisyal nang inaprubahan ng NCAA board ang volleyball bilang ikaapat na sport na mandatory kasama ang basketball, swimming at centerpiece event na athletics.

“Already approved,” pahayag ni Lacson matapos kumpirmahin ni NCAA MANCOM member Peter Cayco ng Arellano University na nagkasundo ang mga opisyal na bumubuo sa torneo na mas palawakin ang pagpapaunlad sa sports na tanyag sa Pinoy.

Ang desisyon ay dahil na rin sa mabilis na kaganapan at pag-angat ng volleyball sa bansa.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“The NCAA’s goal is increase participation not just in a few sports but all and the NCAA plans to make it all mandatory sports in the future,” sabi pa ni Cayco.

“The NCAA started with volleyball first because all schools are already active when it comes to volleyball,” aniya.

Magsisimula ang basketball sa salpukan ng Mapua kontra Jose Rizal sa ganap na 2:00 ng hapon at defending champion Letran at ang nakaraang taon na runner-up na San Beda sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon. (Angie Oredo)