Sharon copy copy

KUNG dati-rati ay hindi nagpo-post sa social media ng litrato niya si Sharon Cuneta, ngayon naman ay panay–panay dahil proud siya sa malaking pagbabago ng katawan niya.

Yes, Bossing DMB, ang payat na ni Sharon as in. Sabi nga niya sa post niya kahapon, “If you know me and have seen the film Thelma and Louise, you know I’d be Louise! But that shirt’s in Manila now and I’m not. This was taken this morning. I feel I’ve lost about 50 lbs. now but am still not satisfied. A little bit more to lose and I’ll be back to my pre-Miel shape! Hope you’re all doing well. Lots of love and God bless you!”

Natutuwa kami na makitang payat na uli si Sharon at aktibo na ulit sa kanyang showbiz career, dahil kahit maraming bagong artistang nagsusulputan ngayon ay kailangan pa rin ang nag-iisang megastar sa larangan ng pag-arte at pagkanta.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

At bagamat hindi namin napapanood ang The Voice Kids 3, inaabangan namin ito sa ABS-CBN news dahil gustung-gusto namin ang banter nila ni Lea Salonga lalo na ang pagpapatalbugan kung sino sa kanila ang mas magaling na artista.

Nakakaaliw lalo na kung pareho nilang gusto ang contestant, kung anu-anong pagyayabang sa sarili ang binabanggit kaya naman natatawa na lang at napapakamot ng ulo si Coach Bamboo.

In fairness, magaganda rin ang mga review kay Sharon sa TVK3 dahil lumabas ang tunay na ugali niyang bungisngis, komedyana at kung anu-ano pa ang pinaggagawa. Halatang nag-i-enjoy siya bilang voice coach.

Kaya hindi naman naramdaman ang pagkawala ni Sarah Geronimo na ang mami-miss mo ay ang pagkataklesa na naibubuko ang sarili at kung minsan ay nakakatawa rin na hindi naman niya sadya.

Curious ang supporters ni Sharon kung anong pelikula ang gagawin niya at sino ang makakasama, ito na raw kaya ‘yung kasama niya si Aga Muhlach?

E, teka, di ba may pelikula ring pagsasamahan sina Aga at Lea? So, ano ang mauuna? Naku, ‘pag nagkataon, magandang parunggitan na naman ito ng dalawang aktres sa The Voice Kids 3. (Reggee Bonoan)