KRIS copy

BINULUNGAN kami ng spy namin sa ABS-CBN na pinaplantsa na ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino. Panigurado pa niyang sabi, tiyak magiging mas masaya na naman ang umaga ng mga kapamilya sa pagbabalik ng Queen of All Media.

Sa totoo lang naman, maging ang detractors ni Kris ay inaabangan din naman kung kailan magbabalik-telebisyon ang presidential sister. Aminin man o hindi, kulang sa saya kung wala tayong napapanood na Kris Aquino show sa mundo ng telebisyon!

“Naku, tuloy na tuloy na at mapapanood na naman sa isang morning show ang isang Kris Aquino,” sey pa ng source namin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pansamantalang tinalikuran ni Kris ang showbiz sa dalawang kadahilanan. Una ang kalusugan niya at ang pangalawa ay ang intelligence report na bantang pagdukot sa kanya ng bandidong grupo na ikinatakot niya.

Pero sa napipintong pagbabalik ni Kris Aquino sa paborito niyang morning time slot, tiyak na makakalaban niya ang TV show ng sinasabing Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Paano naman ang gumagandang show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros?

“Well, hayaan na natin sa ABS CBN big boss ang problema na ‘yan. Iba pa rin kasi ang dating ng isang Kris Aquino,” sagot ng kausap namin. (JIMI ESCALA)