Simula ngayong Hunyo, hindi na pahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga school service vehicle na 15 taon at mahigit nang bumibiyahe.

Magugunita na naglabas ang LTFRB noong nakaraang taon ng memorandum circular na nagpapahintulot sa mga school bus service na may 15 taon at mahigit, na hanggang Marso 31 na lamang sila maaaring mag-operate.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na kinailangan ang 10-buwang transition period upang matiyak ang availability ng school service para sa susunod na school year.

“We wanted to start phasing out 15-year-old school service vehicles much earlier, but decided to give operators a transition period,” sabi ni Ginez, binanggit na ang phase-out ay dapat sanang ipinatupad noon pang 2014 ngunit pinalawig hanggang 2015 at 2016. (PNA)

Events

The Corrs, magko-concert sa ‘Pinas sa Feb. 2025!