Nagbabala ang Department of Health (DoH) sa mga consumer laban sa labis-labis na paggamit ng mga herbal supplement at iba pang uri ng gamot, na maaaring magdulot ng pinsala sa kidney.
Sinabi ni Susan Jorge, pinuno ng Philippine Disease Prevention and Control Program, na ang pag-inom ng napakaraming herbal supplement ay maaaring magdulot ng kumplikasyon sa kidney, na posibleng mauwi sa renal failure.
Sinabi niya na ang ilang residue ng mga supplement na ito ay maaaring maipon kalaunan sa kidney at bumara sa ilang bahagi nito at magdulot ng pamamaga.
“When this happens, this will cause damage to the kidneys,” sabi ni Jorge sa press conference para sa pagdiriwang ng National Kidney Awareness Month (NKAM).
Sinabi rin niya na ang babala ay para rin sa mga gamot na iniinom ng mga senior citizen gaya ng Non-Steroidal Anti-Inflammatory Drugs (NSAID) para lunasan ang rayuma.
Nanawagan si Health Secretary Janette Garin para sa regulated use ng mga nabanggit na herbal supplement at droga.
“We should be careful in taking herbal supplements because of the residues it could leave to our kidneys. Once we start with dialysis, it is not reversible,” sabi ni Garin.
Ang dialysis ay ang medical procedure ng pagtanggal ng dumi at sobrang tubig sa dugo sa kaso ng kidney failure.
(ROMMEL P. TABBAD