Tatangkain ng league leader at wala pa ring talong De La Salle na palawigin ang nasimulang winning streak sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Fil-oil Flying V Premier Cup ngayon, sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Hawak ang malinis na 5-0 karta para maging lider sa Group B, makakasagupa ng Green Archers ang Lyceum of the Philippines University Pirates ganap na 3:15 ng hapon.

Sa iba pang laro, magtutuos ang pumapangalawa na San Beda (4-1) at Adamson University sa ikalawang seniors match ganap na 1:30 ng hapon.

Sa huling seniors game, magtatapat naman ang pumapangatlo sa Group B na Ateneo de Manila at Mapua sa 5:00 ng hapon.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sa, juniors division, maghaharap ang Ateneo Blue Eaglets at Lyceum Juniors Pirates sa 9:30 ng umaga.

Kasunod nito, sa unang seniors match, magtutuos ang National University (4-1) at University of the Philippines (2-3) sa 11:15 ng umaga. (Marivic Awitan)