BINMALEY, Pangasinan – Isang lalaking senior citizen ang natagpuang patay matapos siyang magbigti sa Barangay San Isidro Norte sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Danilo Parayno, 60, biyudo, walang trabaho, at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Dakong 3:30 ng hapon nitong Martes nang matagpuan ng nakababatang kapatid na si Margareta Gumapos ang bangkay ni Parayno na nakabigti sa kisame.

Natagpuan din ang isang suicide note na nakasaad ang: “Perly, patawarin mo ako kung ano ang nagawa ko sa iyo. Sorry.”

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi naman binanggit sa report kung sino ang Perly na tinukoy sa suicide note. (Liezle Basa Iñigo)