Isang 62-anyos na babaeng pasahero ang nasawi habang 16 na iba pa ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang truck at isang van sa Lucena City, Quezon.

Nabagok si Lolita Palicpic, 62, na agad niyang ikinamatay, habang nagtamo ng mga sugat sa katawan at bali sa buto ang iba pang pasahero.

Sa impormasyong nakarating sa Camp Crame, binabaybay ng truck na minamaneho ni Henry Palicpic, 36, ang Maharlika Highway sa Barangay Isabang sakay si Palicpic at tatlong iba pa nang masalpok ito ng isang van.

Ang van ay minamaneho ni Abel Casido, 47, at kinalululanan ng 11 iba pang pasahero. (Beth Camia)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar