pulido copy

CIUDAD VICTORIA, Mexico (AP) — Nakawala sa kamay ng mga kidnapper at ligtas na nabawi ng pulisya ang 25-anyos Mexican football star na si Alan Pulido.

Batay sa kuwento ni Pulido na pinatotohanan sa record ng 911 ng Mexico, nalabanan niya ang nag-iisang kidnapper na nagbabantay sa kanya at naagaw niya ang baril at cellphone nito na siyang ginamit niya para makahingi ng tulong.

Sa opisyal na report ng emergency operator na nakuha ng Associated Press, nakipagbuno ang Olympiakos star sa Greek league sa nag-iisang bantay at nagawa niyang makatawag ng tulong sa pulisya.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Ayon kay Tamaulipas state Attorney General Ismael Quintanilla, natanggap nila ang saklolo ni Pulido hatinggabi ng Linggo (Lunes sa Manila) matapos magapi ang nag-iisang bantay.

“There was an exchange of punches between them,” ayon kay Quintanilla.

Hinarang at puwersahang kinuha si Pulido ng apat na armadong kalalakihan dakong 11:30 ng gabi habang papauwi mula sa dinaluhang pagdiriwang. Kasama niya ang kanyang nobya nang maganap ang insidente, ngunit hindi ito isinama ng kidnapper.