Sasanayin at hindi na bubuwagin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kasalukuyang komposisyon ng Gilas Pilipinas cadet pool na sumabak at nagkampeon sa katatapos na Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Stankovic Cup sa Bangkok, Thailand.

Ipinaliwanag mismo ni SBP Executive Director Sonny Barrios sa isang panayam sa telebisyon na plano ng asosasyon na tuluyang sanayin at ihanda ang mga manlalarong bumubuo sa koponan na isasabak nito sa mga itinakdang torneo ng FIBA.

“There is a plan to maintain the composition of the Gilas cadet team that will be the one to send or compete in the new competitions that was approved recently by FIBA,” sabi ni Barrios.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang pagwawagi sa SEABA Stankovic Cup sa Thailand ang naging tiket ng bansa para makalaro sa 2017 FIBA Asia Cup.

Ang koponan ay binubuo ng mga dating star mula sa UAAP at NCAA na sina Kevin Ferrer (UST), Von Rolfe Pessumal (Ateneo), Jiovani Jalalon (Arellano University), Jonas Raphael Tibayan (Chiang Kai Shek), Cris Michael Tolomia (FEU), Ken Holmqvist (FEU), Raymar Jose (FEU), Roger Pogoy (FEU), Rey Mark Belo (FEU), Russel Escoto (FEU), at mga pro na sina Almond Vosotros (PBA-Blackwater), at Jeth Troy Rosario (PBA-Tropang TNT). (Angie Oredo)