MANATILING #AlwaysAppdated sa pinakamainit na Kapuso news at showbiz update gamit ang official GMA Network mobile application mula sa GMA New Media, Inc.

Bukod sa entertainment stories, videos at photos, makikita rin sa app ang latest headlines ng GMA News Online. At gamit ang filter option ng app, madali lang ma-access ang mga kaugnay na istorya tungkol sa isang programa o artista.

May pagkakataon pang manalo ng iba’t ibang premyo linggu-linggo sa pamamagitan ng pag-iipon ng Kapuso Points. Maaari itong gawing raffle entries sa Kapuso Points Panalo Sweepstakes para manalo ng cellphone load, exclusive merchandise, GMA Studio Tour passes at meet and greet sa inyong paboritong Kapuso stars. Mas marami pang exciting prizes na pwedeng mapanalunan tulad ng mga bagong gadget at cash.

Bukod sa GMA mobile app, makibalita sa latest Kapuso news gamit ang Kapuso online portal na GMANetwork.com, ang number one website sa bansa base sa pageviews sa buwan ng Abril, ayon sa data mula sa Effective Measure.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

Sa pamamagitan din ng Facebook, Instagram, Twitter at Snapchat, ay abot-kamay ng GMA ang lalong lumalawak na Kapuso community online.

Ang official Facebook page ng GMA ay may mahigit 8.5 million likes na at kasalukuyang fastest-growing community sa Facebook kumpara sa ibang network. Sa tulong naman ng Facebook live feature ay maaari ring mapanood ang mga Q & A sa Kapuso stars sa iba’t ibang mga mall shows, concerts, at interviews.

Lalo ring lumalakas ang online presence ng GMA na ngayon ay may 851,000 followers na sa Twitter at 568,000 naman sa Instagram.

Bisitahin ang website, www.gmanetwork.com, i-like ang Facebook page, www.facebook.com/GMANetwork at sundan ang Twitter, Instagram at Snapchat handle: gmanetwork, para sa mga Kapuso news at entertainment updates.