Isang 23-anyos na lalaki ang pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ginilitan ng kasamahan niya sa trabaho sa bayan ng Oton sa Iloilo, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Oton Municipal Police, natagpuang patay si Norbert Melchor, ng Barangay Dalusan, Maasin, Iloilo, at nagtatrabaho bilang tagapagbantay ng mga tanim, sa may Pulo Maestra Vita sa Oton.

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Brando Asuncion, ng Barotac Viejo, Iloilo.

Ayon sa pulisya, mistulang malaki ang galit ng suspek sa biktima dahil bukod sa ginilitan ito ay sinaksak pa nang walong beses.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Edgar Tarpunada, ang biktima at ang suspek ay kapwa naglilingkod bilang mga tagapagbantay ng kanyang sakahan. (Fer Taboy)