LOS ANGELES (AP) — Pumanaw na ang ina ni Jennifer Aniston na si Nancy Dow, 79.

Inihayag ni Aniston sa People magazine na ang kanyang inang si Dow “passed peacefully surrounded by family and friends after enduring a long illness.”

Si Dow ay dating modelo na napanood umarte sa telebisyon noong 1960s, kabilang ang The Beverly Hillbillies at The Wild Wild West sa mga ginawa niyang show.

Inamin ni Aniston noong nakaraang taon sa The Hollywood Reporter na hindi perpekto ang relasyon nila ng kanyang ina, at sinabing may ilang taon silang hindi nagkikibuan. Sinabi niya sa magazine na ang kanyang ina ay “very unforgiving”.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dalawang beses ikinasal si Dow. Ang una niyang napangasawa ay si Jack Melick, ang ama ng kapatid ni Aniston na si John Melick. At ang ikalawa ay ang ama ni Aniston, ang soap opera star na si John Aniston. Parehong nauwi sa diborsiyo ang dalawang kasal.