BANGKOK – Nakadama ng takot ang Philippine team Gilas Cadet sa krusyal na sandali bago naitakas ang 66-65 panalo kontra host team Thailand sa pagtatapos ng elimination round kahapon sa 2016 SEABA Stankovic Cup dito.

Naisalpak nina Mike Tolomia at Kevin Ferrer ang krusyal three-pointer para makumpleto ang “sweep” sa one-round elimination.

Makakaharap muli ng Pinoy ang Thai sa winner-take-all championship sa Sabado.

Naisalpak ni Tolomia ang three-pointer para maitabla ang iskor sa 63, may 1:14 ang nalalabi bago sinundan ng isa pang long shot ni Ferrer, may 55 segundo sa laro.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

May pagkakataon ang Thai na maagaw ang panalo nang makuha ang huling possesson, ngunit sumablay ang huling tirada ng host.

Nanguna si Troy Rosario na may 20 puntos sa Gilas.

Iskor:

Philippines (66)—Rosario 20, Belo 18, Tolomia 9, Ferrer 7, Jalalon 6, Vosotros 4, Pogoy 2, Jose 0, Escoto 0, Pessumal 0.

Thailand (65)—Ananti 14, Jaisanuk 12, Lakhan 10, C. Klahan 7, Lertmalaiporn 7, Chanthachon 6, P. Klahan 5, Apiromvilaichai 2, Ghogar 2, Sekteera 0, Samerjai 0.

Quarters:

21-12, 32-33, 49-48, 66-65.