Diego at Sofia copy

NAPAKA-GENTLEMAN ni Diego Loyzaga.

Nakita namin kung paano niya alalayan ang girlfriend niyang si Sofia Andres kasama na ang mama nito habang papaakyat ng escalator.

Natiyempuhan naming nanood ng sine (X-Men: Apocalypse) sina Diego at Sofia kasama ang mama ng dalaga at personal assistant sa Eastwood Mall noong Huwebes, bandang 9:40 PM.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Past midnight nang natapos ang sine at nakita rin naming sinundo si Diego ng itim na van at nang pasakay na ay kasama niya ang kapatid ni Sofia na nakasama sa seryeng The Story of Us.

Kitang-kita naming palagay ang loob ng kapatid ni Sofia kay Diego at sumama pa sa kanya sa van dahil si Sofia ay sa sarili nitong sasakyan sumakay na ang mama niya ang nagmaneho. Menor de edad pa ang dalagita at wala pang lisensiya.

Nakakatuwang panoorin si Diego dahil malapit pala siya sa pamilya ni Sofia at totoo nga ang sabi ng batang aktres na ang nagustuhan niya sa aktor ang pagiging gentleman nito.

Ay teka, umamin na ba ang dalawa na officially on na sila? Kasi kung friends pa rin ay parang hindi naman ganu’n ang nakita namin, ha.

Anyway, bagay sina Diego at Sofia.

May project ba ang dalawa? Parang wala kaming alam, ha. (Reggee Bonoan)