VICTORIA, Tarlac - Under observation ngayon sa ospital ang isang 39-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap mismo ng kanyang ama sa Barangay Batangbatang, Victoria, Tarlac.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Fernando Lorenzo, may asawa, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na kasama ni Lorenzo ang ama nito sa ilalim ng punong kawayan at kausap ng biktima ang asawa sa cell phone nang biglang tumigil sa harap nila ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Lumitaw sa follow-up investigation ng pulisya na alitan sa lupa ang sanhi ng pamamaril. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?