ISULAN, Sultan Kudarat - Batay sa ibinahaging impormasyon ng isang opisyal ng Tacurong City Police, isang miyembro ng teroristang grupong Al Khobar ang naaresto sa Datu Paglas, Maguindanao, nitong Miyerkules.

Si Ahmad Macauyag, nasa hustong gulang, walang permanenteng tirahan, ay nasakote ng grupo ni Senior Supt. Joel Limson sa liblib na bahagi ng Datu Paglas.

Nabatid na isa si Macauyag sa matagal nang tinutugis ng awtoridad at responsable sa serye ng pambobomba sa Central Mindanao at mga karatig na lugar.

Nakumpiskahan din umano ng ilang armas ang suspek. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog