GUIMBA, Nueva Ecija - Pinaghahanap ng pulisya ang driver ng isang closed van na tumakas makaraang suruin ang isang Rusi motorcycle na may sidecar o “kolong-kolong” sa kalsada ng Barangay Agcano, na grabeng ikinasugat ng apat na sakay nito, umaga nitong Martes.

Kinilala ng Guimba Police ang mga nasugatan na sina Ronaldo Garcia y Novera, 36; Hermina Guirra y Garcia, 28; Luisa Esguerra y Guirra, 38; at Liam Garcia y Guira, 2, pawang taga-Bgy. Kaingin sa Guimba.

Sa imbestigasyon ni PO1 Severino Alarcon, dakong 5:30 ng umaga nitong Martes ay lulan ang mga biktima sa kolong-kolong na kargadon ng saku-sako ng gulay patungong Licab-Victoria nang bigla silang suruin ng closed van, na may plakang DCG-547, na agad namang tumakas. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?