LIPA CITY, Batangas - Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 69-anyos na lalaki matapos niya umanong mapatay ang sarili niyang anak sa Lipa City, Batangas.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Amadillo Custodio, taga-Barangay Pinagtongulan sa naturang lungsod.

Binaril umano ng suspek ang anak niyang si Dennis Custodio, 35, na tinamaan sa ulo.

Ayon sa report ni PO3 Oliver Morcilla, dakong 10:00 ng umaga nitong Martes nang iwan sandali ng asawa ng suspek ang mag-ama sa kanilang bahay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang bumalik ang ginang dakong 11:30 ng umaga ay nakita niya ang anak na duguang nakahiga sa sofa.

Agad naman naaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek at narekober ang isang .22 caliber rifle sa lugar ng krimen.

Nabatid sa imbestigasyon na matagal nang may alitan ang mag-ama,at ang huli ay madalas na nasisita sa paglalasing.

(Lyka Manalo)