Ni Nora Calderon

Therese MalvarMINSAN nang tinalo ni Theresa “Teri” Malvar si Nora Aunor nang siya ang tanghaling Best Actress sa Cine Filipino noong 2013 sa pelikula niyang Ang Huling Cha-Cha ni Anita. Unang pelikula iyon ni Therese.

Sinundan iyon ng isa pang award para sa pelikulang Hamog. Kasunod nito ang pagpirma ni Therese ng contract sa GMA Artist Center.

Pero labis ang tuwa ni Therese nang matanggap niya ang balita na isa siya sa recipients ng New York Asian Film Festival’s Screen International Rising Star Asia awards.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“First time ko po itong pupunta ng ibang bansa para personal na tanggapin ang nasabing pagkilala,” sabi ni Therese. “Nagulat po ako. I’m very overwhelmed to be the first Filipino to receive an award from them.

“Unexpected po ito kasi this time international na po. Thankful po ako sa lahat ng awards na natatanggap, pero mas naging excited po ako kasi first time akong magkakaroon ng international award, at tulad nga po ng nasabi ko, it’s my first time to fly abroad.  This will be a new experience and adventure rin po for me. Hindi ko na ito makakalimutan.”

Ang dalawa pang Asian recipients ng awards ay si Go Ayano ng Japan at si Jelly Lin ng China.

Pero kung may isang wish si Therese na sana’y matupad pagbalik niya from New York, isang drama series sa GMA-7 na makakasama siya.