BAGUIO CITY - Sa halip na bayaran ang nainom na alak, saksak ng patalim ang ibinayad ng lasing na obrero sa waiter na nagsilbi sa kanya sa isang bar sa Kayang Street sa siyudad na ito.

Kinilala ni Senior Supt. George Daskeo, acting director ng Baguio City Police Office (BCPO), ang biktimang si Roel Rivera Mendoza, 24, tubong San Carlos, Pangasinan at stay-in waiter sa D’Faces Bar, samantalang arestado naman si Armidio Fagsao Aliga, 49, tubong Sadangga, Mt. Province, at nakatira sa San Luis, Baguio City.

Ayon kay Daskeo, nagpunta sa nabanggit na bar si Aliga at isang kasama nito para mag-inuman dakong 9:30 ng gabi nitong Mayo 19, ngunit nang sinisingil na sila ng biktima sa P600 bill ay tumatanggi ang suspek na bayaran ito.

Pilit na siningil ni Mendoza si Aliga hanggang sa bumunot ito ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Rizaldy Comanda)