PANOORIN ang pinakamatinding sagupaan ng pinakamahuhusay na talent sa bansa ngayong Sabado at Linggo sa inaabangang grand finals ng world-class talent competition na Pilipinas Got Talent na gaganapin nang live sa SM Mall of Asia Arena.

Labindalawang kalahok ang magtutunggali para tanghaling ikalimang grand winner at mapanalunan ang P2 milyong jackpot.

Mas angat ngayong season ang mga dancer group dahil lima sa kanila ang bumubuo sa top 12 na kinabibilangan ng Crossover Family, Mastermind, Sto. Tomas Bulilit Generation, Power Duo, at Power Impact Dancers.

Pero hindi naman magpapahuli ang mga singer dahil pasok din ang all-male singing group na Next Option, kiddie rock band na The Chosen Ones, at young singer na si Kurt Philip Espiritu.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Kakaibang galing naman ang handog ng iba pang finalists na kinabibilangan ng motocross performers na UA Mindanao, fire dancer na si Amazing Pyra, magician na si Ody Sto. Domingo, at all-male group na Dino Splendid Acrobats.

Noong semi-finals, sinala ang mga kalahok na napili ng publiko at ng judges. Para sa final showdown, hihiranging grand winner ang makakakuha ng pinakamataas na combined votes ng publiko at ng judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda.

Maaaring bumoto sa pamamagitan ng text o online via Google. Para bumoto, i-text ang PGT (space) PANGALAN NG CONTESTANT at ipadala sa 2366. Isang boto lang ang tatanggapin bawat SIM card.

Para naman bumoto online, i-Google ang “PGT5” at pindutin ang unang link na lalabas. I-lick ang larawan ng iboboto mong grand finalist at pinuditn ang “submit vote” na button. Isa vote kada Google/Gmail account lang ang tatanggapin. Hintayin lamang ang hudyat ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford sa Linggo bago bumoto.

Sino ang susunod na PGT Grand Winner at mapapahanay kina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Maasinhon Trio, at Roel Manlangit?

Huwag palalampasin ang final performance night ng Pilipinas Got Talent ngayong gabi pagkatapos ng Home Sweetie Home, at alamin kung sino ang ikaapat na PGT grand winner na itatanghal sa final results night bukas, 7:45 PM pagkatapos ng Wansapanataym, live mula sa SM Mall of Asia Arena sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.