VATICAN CITY (AP) – Sinabi ni Pope Francis na ang mga employer na sinasamantala ang kanilang mga manggagawa para sa kanilang sariling kapakinabangan ay nagkakagawa ng kasalanang mortal.
Sa kanyang pang-umagang homily nitong Huwebes, sinabi ni Francis na ang labor exploitation ay isang modernong porma ng pang-aalipin. Ayon sa kanya ang mga nananamantala sa mga manggagawa ay walang ipinagkaiba sa mga human trafficker sa nakalipas na umalipin sa mga African at ipinagbili sila sa America.
Batay sa transcript ng Vatican Radio sa kanyang sermon, sinabi ni Francis na: “Living off the blood of people, this is a mortal sin! A mortal sin. And it requires so much penance, so much restitution to be absolved of this sin.”