Wagas_Blessy at Osang copy

SA unang pagkakataon, ibabahagi ni Rosanna Roces ang kuwento ng kanyang pag-ibig sa Wagas ngayong Sabado (May 21).

Ang Kapuso actress na si Jackie Rice ang gaganap bilang Rosanna at si Roxanne Barcelo naman ang gaganap bilang kanyang partner na si Blessy Arias.

Pantasya ng kalalakihan noon si Rosanna Roces o mas kilala bilang Osang. Nagbida siya sa mga pelikulang Ligaya ang Itawag mo sa Akin, Patikim ng Pinya, at Ang Lalaki sa Buhay ni Selya.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sa dinami-dami ng lalaking dumaan sa buhay ni Osang, hindi niya akalain na sa kanyang high school best friend na si Blessy Arias pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal. Pero bago nila natagpuan ang tunay na pag-ibig, maraming dagok muna ang dumaan sa buhay nila. Mahigit 27 taon na hindi nagkita ang dalawa matapos ang malungkot na nangyari noong nasa high school sila.

Sa muling pagkikita, pakiramdam ni Rosanna ay tila naiwasto ng pagmamahal ni Blessy sa kanya ang lahat ng pagkakamali niya noon. Si Osang pa mismo ang nag-propose kay Blessy kamakailan at naghahanda na sila ngayon sa nalalapit na pagpapakasal nila: isa sa Pilipinas at isa sa Canada na kinikilala ang same-sex marriage.

Abangan sa Wagas ang kuwento nina Osang at Blessy ngayong Sabado 7 PM sa GMA News TV.