Patay ang isang sanggol matapos umanong makainom ng cyanide sa Camp 6, Tuba, Benguet, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Tuba Municipal Police ang nasawi na si Xyriel Loise del Rosario Sagmayao.

Sinabi ni Insp. Rodrigo Kitongan, information officer ng Tuba Municipal Police, na nag-aayos ng kanilang kagamitan ang ina ng sanggol na si Melody del Rosario Sagmayao habang nasa hindi kalayuan ay may nilalarong plastic bag ang biktima.

Makalipas ang ilang sandali, napansin ni Melody na hindi na gumagalaw ang anak sa pagkakahiga sa sahig at katabi nito ang pinaglalaruang plastic bag, na may laman palang cyanide.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinugod ang bata sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Ipinaubaya na ng pulisya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung magsasampa ng reklamo sa mga magulang ng sanggol dahil sa pagpapabaya rito. (Fer Taboy)