Kinumpirma ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 na umalis ng bansa si Senator Antonio Trillanes IV nitong Martes ng hapon.

Sinabi ng Immigration officer na tumangging magpakilala na sumakay si Trillanes sa Philippine Airlines flight PR100 patungong Honolulu, Hawaii dakong 5:30 ng hapon ng Mayo 17. Idinagdag ng source na sinabi ng senador na siya ay nasa business trip.

Nakita si Trillanes na nakasuot ng dark blue shirt at may dalawang malalaking maleta nang pumasok sa NAIA terminal 2 para mag- check-in.

Gayunman, ayon sa BI source, wala silang impormasyon tungkol sa petsa ng pagbabalik sa bansa ng senador.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Si Trillanes, incumbent member ng Senate hanggang sa pagtatapos ng termino nito sa 2019, ay natalo sa vice presidential bid kasama sina Senators Chiz Escudero at Allan Peter Cayetano. (Ariel Fernandez)