Coco-Martin copy

SI Coco Martin ang bagong Pinoy action hero. Hindi lang ang pagda-drama niya ang inaabangan ngayon kundi pati na ang action sequence niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Nanghihinayang kami na hindi namin napanood noong Miyerkules kung ano ang nangyari sa sagupaan episode ng FPJ’s Ang Probinsyano nang lumusob sa bahay nina Cardo (Coco Martin) ang grupo ng sigang kalalakihan na nagtitinda ng baboy.

Napanood namin sa trailer na nagkakabugbugan ang grupo laban kay Cardo at inabutan ni Onyok ng dos por dos ang tatay-tatayan niya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tinanong namin kahapon ng umaga ang kasama namin kung ano ang nangyari at sinabing nakulong ang mga nagtitinda ng baboy at may tama si Glen (Maja Salvador) sa batok kaya galit na galit ang magulang nito lalo’t laging nadadamay ang dalaga kapag napapatrobol si Cardo.

Kaya naman gustung-gusto ng military men at pulis ang Probinsyano dahil lalaking-lalaki talaga ang treatment at aksiyon na aksiyon talaga ang dating.

Sinasabi ng movie critics na tuluyan nang nawala ang action films sa pelikulang Tagalog. Ano kaya’t subukan ni Coco Martin na i-revive ito? Matagal nang walang bagong Pinoy action star. Pero sa nakukuhang ratings ng aksiyon-serye niya, mukhang may market pa rin naman ang action genre.

Type kaya ni Coco na buhayin uli ang action movies? Hindi na siya maghahanap ng mahusay na action director, si Direk Toto Natividad na mismo ang isa sa mga humahawak sa kanya ng FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya nga astig na astig ang serye nila, si Direk Toto ang humahawak ng action sequence nila. (REGGEE BONOAN)