Dr. Mike at Pia copy

KLINARO ni Miss Universe Pia Wurtzbach na hindi sila nagkakalabuan ni Dr. Mike, ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Kamakailan ay nag-post si Pia sa kanyang IG account ng, “Boy, I’m a prize not a catch.”

Marami agad ang nag-react na followers ni Pia. positibo at negatibo, kaya binura na niya ito at saka nagpaliwanag.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang post ni Miss U noong Martes, “Kalma lang po. Okay naman ang lahat :) magandang umaga.”

Pagkalipas ng isang oras ay muling nag-post ang beauty queen ng, “Nagkamali lang po ng pagkaintindi at pagkasagot.

Pasensya na po. Maraming salamat po@RealDoctorMike Okay na po ba, doc?”

Sabay hirit pa ng, “Hindi naintindihan ni kuya (Dr. Mike). Pa-translate naman po sa kanya. Baka replayan ako ng Russian. Di bale may German at Bisaya pa akong baon.”

Marami ang nagulat nang sumagot si @RealDoctorMike sa Tagalog, “Ok lang @PiaWurtzbach na nagkamali ang pagkaintindi mo at sagot. Naiintindihan ko. Lahat ng bagay at lahat ay mabuti.”

Dagdag pa ng Sexiest Doctor Alive, “Nag-aaral lang ngayon ng Tagalog Mabuhay Philippines!”

Ginantihan ito ni Pia ng, “@RealDoctorMike good to know you finally can spell our Philippines correctly.”

Dagdag pa ng dalaga, “@RealDoctorMike, oh and you finally know what our flag looks like! Congratulations the Filipinos love you now.”

Mukhang sa takbo ng usapan nina Pia at Dr. Mike ay talagang sila na at hindi na rin kami magtataka kung pagkatapos ng reign ng dalaga ay mag-level up na ang kanilang relasyon. (REGGEE BONOAN)