NEW YORK (AP) — Nakatakdang imbestigahan ng U.S. prosecutors ang alegasyon na nakibahagi ang mahigit isang dosenang top Russian athletes sa kontrobersyal na state-sponsored doping program, ayon sa ulat ng New York Times nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Dalawang hindi pinangalanan na source ang nagkumpirma sa naturang isyu sa Times.
Ang naturang imbestigasyon na isasagawa ng U.S. Attorney’s office ng Eastern District of New York, ay nakatuon sa mga atleta, Russian government officials, anti-doping authorities at ilang indibidwal na nagbenepisyo sa naturang doping scheme.
Iang opisyal ang nagkumpirma sa Associated Press na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang FBI hingil sa naturang kaso.
Ayon sa naturang opsiyal na tumangging pabangit ang pangalan, ang grupo ng imbestigador ang nasa likod din ng pagiimbestiga sa kontrobersya sa FIFA.
Wala namang pormal na pahayag hingi sa isyu ang U.S. Attorney’s office sa Brooklyn, at hindi naman pagbigay ng komento ang tagapagsalita ng Justice Department.
Matatandaang, isiniwalat ng World Anti-Doping Agency, bunsod na rin ng ‘expose’ ng isang dating tauhan ng Russian doping agency ang umano’y pagmaniobra ng state-sponsored doping scheme sa Russia.