BILLY AT COLEEN copy

MAGDADALAWANG taon na ang relasyon nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Hindi masasabi ni Billy na perpekto ang relasyon nila pero napapanatili nila itong maayos.

Dalawa sa mga dahilan ang tiwala sa isa’t isa at constant communication.

“’Yun naman ang pinakaimportante, ’yung trust at communication, hindi dapat mawawala ‘yun,” sabi ni Billy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hangang-hanga rin si Billy sa kahusayan ng kasintahan niya bilang aktres. At kahit nagpapaseksi sa mga ginagampanang papel sa pelikula at sa TV, wala itong problema sa actor/TV host.

“She’s a wonderful actress. She’s going to choose I think roles that will be a bit challenging, not really stagnant into the whole sexy young female artist. Palagay ko, eh, she’s going into becoming a very wonderful actress,” pagmamalaki ni Billy kay Coleen.

Kuwento pa ni Billy, usapan nila na kung sinuman ang walang trabaho sa anumang particular na araw o kung sinuman ang unang nakatapos ng trabaho, siya ang unang dapat gumawa ng paraan na magkita sila.

“Like today, may mga rehearsals ako, may shooting naman siya. So, if I finish earlier, I go to her. So ‘yun lang, just balance each other’s schedule,” sey pa rin ni Billy. (Jimi Escala)