VICTORIA, Tarlac - Isang retiradong operatiba ng Philippine Air Force (PAF), na sinasabing may prostate cancer, ang natagpuang patay at naaagnas na sa tinutuluyan niyang bahay sa Purok 6B, Barangay San Gavino, Victoria, Tarlac.

Ayon sa report ni PO3 Francisco Gamis, Jr., ang bangkay ay kay Franklin Maniego, 67, ng nasabing lugar.

Mag-isang namumuhay, nakahubad at duguan ang naaagnas na katawan ni Maniego na pinaniniwalaang namatay dahil sa tinataglay na karamdaman. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog