Stephen Curry, Enes Kanter

Warriors, nakaliskisan ng Thunder sa Game 1.

OAKLAND, California (AP) — Sa hindi pangkaraniwang pagkakataon, nanlamig ang outside shooting ng Golden State Warriors sa krusyal na sandali, sapat para makumpleto ng Oklahoma Thunder ang matikas na pagbangon mula sa 14 na puntos na paghahabol sa first half tungo sa 108-102 panalo para sa 1-0 bentahe sa NBA Western Conference best-of-seven championship nitong Lunes ng gabi (Martes sa Manila).

Natikman ng Warriors ang kauna-unahang kabiguan sa Game 1, gayundin sa Oracle Center sa postseason.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

“You have to have a mindset coming into these kinds of venues. Our guys, they understand what they’re walking into,” pahayag ni coach Billy Donovan.

“The first thing is to embrace the fact it’s going to be hard,” dagdag pa niya.

Nagsalansan si Kevin Durant ng 26 na puntos, tampok ang 17-foot jumper may 30.7 segundo para siguruhing hindi na makakabangon ang Warriors para sa isang himala.

Nag-ambag si Russel Westbrook ng 27 puntos, 12 assist at pitong steal sa ikaapat na pagsagupa ng Thunder sa West finals sa loob ng anim na taon.

Gaganapin ang Game 2 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila), sa California.

“We’ve just got to compete,” sambit ni Westbrook.

“It’s going to be a tough game. It’s a tough building. They have a lot of great players on their team, but I know we’re a great team and when we put our minds to it, tonight we didn’t play our best game and we came out with a win.”

Naisalpak ni Steven Adams ang free throw para sa Oklahoma City, may 1:01 ang nalalabi, habang sumablay ang reverse lay-up ni Klay Thompson sa opensa ng Warriors.

Tumapos si Adams na may 16 na puntos, 12 rebound at dalawang blocked.

Nanguna si MVP Stephen Curry sa Warriors sa natipang 26 puntos at playoff career-high 10 rebound, ngunit maraming sablay ang pamosong shooting guard sa krusyal na sandali.

“We got rushed and tried to go for the home-run plays. Sometimes it works,” pahayag ni Curry. “Defensively we were getting enough stops and rebounds. We got out of character a little bit. It’s something we’ll learn from going forward.”

Naitala ni Curry ang mababang 9 for 22 sa field, kabilang ang 6-for-14 sa three-point are at nakagawa ng pitong turnover, bukod sa pitong assist. Naisalpak niya ang three-pointer para sa ika-45 sunod na playoff game, sapat para lagpasan ang dating record ni Reggie Miller noong 1995-2000.