Tinatayang aabot sa P5.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga elemento ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang lalaki na target ng search warrant sa Norte Medellin, Cebu.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang nakatakas na suspek na si John Niel Cabatingan, alyas “Chamik.”

Sa imbestigasyon , dakong 7:30 ng umaga nang magtungo ang raiding team na armado ng search warrant sa bahay ni Cabatingan sa Sitio Proper,Brgy. Lamintak, Norte Medellin, Cebu, subalit hindi na nila ito nadatnan sa lugar.

Nang halughugin ang bahay ni Cabatinga, nabawi ng pulisya ang 49 na sachet ng shabu na tinatayang may timbang na 1.3 kilo at nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakarekober din ang awtoridad ng P33,350 at sari-saring drug paraphernalia sa bahay ng suspek. - Jun Fabon