Isang 16-anyos na babae ang sugatan makaraang barilin ng 50-anyos niyang kinakasama sa Barangay Bawing, General Santos City, South Cotabato, nitong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa frustrated homicide, illegal possession of firearms, at paglabag sa Omnibus Election Code si Kamad Ellas, na nakakulong ngayon sa himpilan ng General Santos City Police Office.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala ng .45 caliber pistol sa kanang sakong.

Inamin ng suspek na nagawa niyang barilin ang dalagitang live-in partner dahil gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya, matapos ang dalawang linggo nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Depensa ni Ellas, may ibang lalaki ang biktima dahil lagi itong umaalis ng bahay tuwing bibigyan niya ng pera.

(Fer Taboy)