GENERAL SANTOS CITY – Dalawang lalaki ang pinatay ng hindi pa nakikilalang riding- in- tandem sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report na natanggap ng Camp Crame mula sa South Cotabato Provincial Police Office (SCPPO), naganap ang insidente dakong 11:00 ng gabi sa Anas Subdivision, Barangay Lagao, General Santos City.

Kinilala ang mga biktima na sina Norodin Serad, 54, nakatira sa Park Islam, Dadiangas South, General Santos City, at Jason Farin, 28, residente sa lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, magsisimula pa lamang sanang mag-inuman sina Serad at Farin nang biglang dumating ang dalawang suspek na nakasakay sa puting motorsiklo na walang plaka, at pinagbabaril ang mga biktima. Agad na namatay si Serad na tinamaan ng bala sa noo at dibdib. Sa ospital naman nalagutan ng hininga si Farin dahil sa tama ng bala sa noo at likod.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay. (Fer Taboy)