Marian copy

KAHIT noong hindi pa mag-asawa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, laging naiiba kung magbigay ng regalo si Dingdong, iyong talagang pinag-iisipan. Kaya na-touch na naman nang husto si Marian nang bigyan siya ng asawa ng isang statue ng isang babae na may kalong na bata noong Mother’s Day last Sunday.

Ito ang post ni Marian sa kanyang Instagram account:

“Mahal, salamat for this gift. Today as I officially celebrate my first Mother’s Day, lalo mo ako binigyan ng dahilan kung bakit masayang mabuhay at lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagkakaloob Niya sa akin ng anak. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil sa istatuwang ito, ipaaalaala nito sa akin araw-araw ang iyong pagkilala’t pagmamahal bilang isang ina.

Happy Mother’s Day sa lahat ng ina!”

Samantala, noong Sabado muling ini-launch ni Marian ang kanyang #YANangsmile ng @smiletrainph, na nag-aanyaya sa mga ina para sa mga anak nilang may cleft lip and palate. 

Ayon kay Marian: “Palaging paalala ng nanay ko sa akin na walang mawawala sa pagiging isang mabuting tao... Hindi man ako perpekto sa iba’t ibang aspeto bilang tao, pero masaya akong makita na may mga taong nabibigyan ng pag-asa na muling ngumiti nang dahil sa akin at ‘yun ang mahalaga, at ang pagtutuunan ko ng pansin ang makatulong sa maliit kong pamamaraan at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.”

Sa mga interesadong makakuha ng chance na maoperahan ang inyong anak, kamag-anak o kaibigan nang libre, tumawag lamang sa 0917-52TRAIN. #SmileMoShareMo. (NORA CALDERON)