BATANGAS – Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec)-Batangas si Hermilando “Dodo” Mandanas bilang bagong gobernador ng lalawigan, at si Sofronio “Nas” Ona ang bise gobernador.

Tinalo ni Mandanas sina Congressman Dong Mendoza, Vice Governor Mark Leviste, AGAP Rep. Nikki Briones, at Marcos Mandanas.

Nasilat naman ni Ona ang puwesto laban kina Board Member Caloy Bolilia at Atty. Chona Dimayuga.

Si Mandanas ay naging gobernador ng lalawigan sa loob ng siyam na taon at kongresista ng ikalawang distrito ng Batangas hanggang 2013.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Si Ona naman ay siyam na taong alkalde ng Calaca, at naging pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Batangas Chapter.

Panalo naman sa pagkakongresista sina Eileen Ermita Buhain (1st district), Rannie Abu (2nd), Maria Theresa Collantes (3rd), Lianda Bolilia (4th), Marvey Mariño (5th), at Vilma Santos-Recto (6th). (Lyka Manalo)