SAMSUNG CSC

Isang Amerikanong institusyon na sa larangan ng sabong ang tinuturing na malaking banta sa mga kalahok sa 2016 World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby na gaganapin sa Manila ngayong Mayo 26 hanggang Hunyo 1.

Kinatatakutan ng kapwa niya mga Amerikanong breeder, si Gene Batia ay pinaniniwalaang banta sa kampanya nina Engr. Sonny Lagon at Atty. Art de Castro, kapaw 2016 World Slasher Cup-1 champion, para sa titulo ng ikalawang edisyon.

Itinuturing na malaking hadlang sa kampanya ni Joey Sy, 2015 World Slasher Cup-2 champion, ang presensiya ni Batia sa kanyang kampanya para sa back-to-back title.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sikat sa kanyang mga Gene Batia Sweaters at Golden Monkey bloodline, si Batia ang may-ari ng Guf Haven Gamefarm sa Mississippi, USA.

Umaatikabong labanan ang magaganap sa dalawang magkahiwalay na 2-cock eliminations kung saan ang pinakamahuhusay na sasabungin buhat sa iba’t ibang panig ng mundo ay magpapakitan ng gilas sa Mayo 26 at 27.

Ito ay susundan ng mas kapana-panabik na aksyon sa semi-finals sa Mayo 28 at 29.

Ang mga kalahok na aahong may 2, 2.5 at 3 puntos mula eliminations at semi-finals ay maghaharap sa 4-cock pre-finals kung saan sasabog ang matitinding aksiyon sa Mayo 30 at 31.

World-class na mga labanan ang magaganap sa pag-abante ng mga undefeated entries na may iskor na 3.5 o 4 na puntos sa 4-cock grand finals sa Hunyo 1.

Ang entry fee ay itinakda sa P88,000, habang ang minimum bet ay P33,000 naman.

Saksi sa mga labanan sa 2016 World Slasher Cup-2 bilang media partners ang Gamefowl Magazine, SuperSabong – Bigtime Sabong sa Telebisyon, Chicken Talk, at Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo.

Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup, tinaguriang “The Olympics of Cockfighting,” ngayong taon ay iniisponsoran ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP.