KALIBO, Aklan - Pitong katao ang nasugatan sa aksidente habang papauwi matapos bumoto sa isang eskuwelahan sa Balete, Aklan.

Ayon sa isa sa mga biktima, magkakasama silang bumoto nitong Lunes ng tanghali at pauwi na sakay sa isang multi-cab jeep, nang bigla umanong nawalan ng preno ang sasakyan.

Kaagad na dinala ang mga biktima sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo.

Isa naman sa mga biktima ay buntis. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog