MAY weirdo na follower sa social media si Thea Tolentio na nanliligaw sa aktres.

Pero mabuti sana kung nanliligaw lang, ‘tila sure na ito na sasagutin at mapapasakanya si Thea dahil nakaplano nang magpapakasal sila. Sinabihan pa si Thea na huwag nang magbo-boyfriend ng iba at siya na lang ang mahalin.

Ibinigay pa ng lalaki ang contact number niya, mag-text daw si Thea sa kanya, hihintayin niya.

Heto pa, gusto ng lalaki na pumunta si Thea sa graduation niya next year.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Dahil hindi nag-text sa kanya si Thea, nagalit ang lalaki at “pangit” na raw si Thea. Gaganda lang daw uli ang aktres ‘pag sinagot siya.

Hindi ba creepy? Ganu’n ang naging dating ng makulit na lalaki sa ibang followers ni Thea at mabuti na lang at hindi yata taga-Metro Manila, hindi agad mapupuntahan ang aktres.

Nagte-taping pa naman si Thea ng primetime series na Once Again, baka mamaya bigla na lang dumating sa taping ang lalaki at may gawing hindi maganda kay Thea.

Anyway, lalabas na ang karakter ni Thea sa Once Again at tiyak na magagalit sa kanya ang viewers dahil isa siya sa magpapahirap at mananakit kay Janine Gutierrez dahil kay Aljur Abrenica. Hindi na mahirap kay Thea ang gumanap na kontrabida, sanay na sanay na siya, pero nangangarap pa rin siyang mabigyan ng chance na maging mabait ang karakter for a change. (Nitz Miralles)