Rafael Rosell copy

IBA rin itong si Rafael Rosell, true-blooded vegetarian siya na talagang strictly no meat and fish sa kanyang diet. 

Kaya todo ang pagtatanggol ni Rafael sa karapatan ng mga hayop, at kamakailan lang ay nag-pose siyang shirtless para sa campaign ng PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) Asia.

“Napakalapit sa puso ko ang nasabing cause kaya naman hindi ako titigil para ipaglaban ang mga karapatan ng mga hayop,” sabi ni Rafael. “Unang-una, PETA is against animals’ cruelty. So siyempre, to stand-up for something like that, knowing some people really care for controversial issues. I think it’s a bold move for me to stand-up and do that kasi controversial issue din kasi ito.”

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Kaya pala tuwang-tuwa si Rafael na sa Because of You, primetime series nila nina Gabby Concepcion at Carla Abellana, may alaga silang manok at palaka. Kasama ito sa story dahil nakuha ito ni Carla as Andrea, noong nagkaroon sila ni Gabby as Boss Yummy ng trip sa bundok at nabigyan sila ng isang manok na iniuwi ni Andrea sa kanyang bahay at nagiging tagagising niya tuwing umaga. Iyong palaka naman, talagang pinag-aralan ni Carla na hindi matakot dito, dahil kasama rin ito sa story ng serye na napapanood gabi-gabi sa GMA-7, pagkatapos ng Once Again.

“Kaya nakakalungkot din na hindi na namin makikita ang manok,” natatawang sabi ni Rafael. “This week kasi, final week na namin ng Because of You at nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumusubaybay sa amin gabi-gabi for more than five months. Sana ay napatawa namin kayo at nagustuhan ang mga romantic-comedy scenes namin.”

Nabiro si Rafael kung mabubuking na bang siya ang boyfriend na hinahanap nina Andrea at Alex (Vaness del Moral), na itinatago ni Rebecca (Iya Villania). Tawa nang tawa si Rafael, panoorin daw kung paano siya mabubuking ng BFFs ni Rebecca. (Nora Calderon)