Tinanghal na kampeon sina Janica Allana Zapico, Eleanor Buenaobra, Crisanto Rubio at Willie Bulido sa zumba marathon ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t Saya sa Parke Summer Games  kahapon sa Luneta Park.

Nanguna sa women’s division 16-45 age group ang 18-anyos at Global Reciprocal Colleges-Caloocan City BSBA-Marketing sophomore student na si Zapico base sa hatol ng licensed zumbra instructors/judges.

Bumuntot kay Zapico sina Tipsy Tabalingcos, 24, ng Quezon City at Kay Baganes, 39, ng Parañaque City, habang sumunod sa men’s side kay Rubio, 27, ng Caloocan sina JB Cemine, 31, ng Makati City, at Marco Bambilla ng Sta. Ana, Manila.

Nagwagi naman sa 46-60 Female at Male class ang fashion designer na si Buenaobra ng Sampaloc, Manila, Celia Salapong, 52, at Charito Concepcion.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sumunod kay Bulido, 51, ng Makati, sina Jason Alejandro, 52, ng Sta. Cruz, Mla. at Edgar Mabanta, 52, ng Tondo.

Agaw atensiyon din sina San Juan National High School-San Juan City incoming grade seven Janine Magpantay, 12, Mary Ann Sabit at Justine Yap na mga taga-SJC at Theresian School of Cavite-Bacoor City incoming grade five Mohammad Jumdani, 9, Abraham Benedict Songco, 14, ng Sampaloc, Mla. at James Niño Lopez, 12, ng SJC sa girl’s and boy’s badminton 14-under.

Ang tatlong nangunang shuttlecockers sa girl’s & boy’s 15-above ay si 16-year-old Vibrance Learning Academy-SJC incoming grade 11 Roselle Mortell, tiya ni Jumdani na si Rodzmiraida Jumdani at Louisse Perono, at sina Jamir Ajid, Januar Jamini at Francis Jun Ruelo.

Sa five-entry boy’s volleyball,  champion ang Solid Spikers-Blue ni team skipper Rollie Bojocankontra sa Little Amazing-Yellow, 12-15, 16-14, 16-14, at ang third placer ay PSG-Team Mindanao.

Namayagpag naman sa six-squad boy’s football ang Yellow sa three wins at 1 draw record. Pangalawa ang White at pangatlo ang Red sa penultimate event.

Nakatakda ang open sa public na no registration fee fourth and final leg sa Mayo 14 sa Quezon City Memorial Circle. - Angie Oredo