Hindi kasama si Mary Jane Veloso sa listahan ng ikatlong bahagi ng mga pagbitay sa Indonesia.

Sinabi ni Indonesian Attorney General HM Prasetyo na iginagalang nila ang legal process kay Veloso na ginagawa sa Pilipinas, iniulat ng Jakarta Post. Hindi niya binanggit ang petsa ng pagbitay.

Magugunita na itinakda sanang bitayin si Veloso noong Abril 26, 2015 ngunit pinagkalooban siya ng reprieve matapos maaresto ng mga awtoridad sa Pilipinas ang babae na umano’y kumuha sa kanya upang maging drug courier. (Tessa Distor)

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!