Sinabi ng Rizal Commercial Banking Corp. na tinanggap nito ang pagbibitiw ng Presidente na si Lorenzo Tan, kahit na inabsuwelto nito ang opisyal sa anumang pananagutan kaugnay ng $81-million money laundering scandal.

Nagkabisa ang pagbibitiw ni Tan noong Biyernes.

Ang RCBC ang nasa sentro ng imbestigasyon ng Senado sa cyber heist nang ninakaw ang $81 million mula sa account ng Bangladesh central bank sa U.S. Federal Reserve Bank of New York at umano’y inilipat sa bangko sa Pilipinas. (Reuters)

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa