PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Nasa 3,000 lalaking nakasakay sa motorsiklo ang umano’y dumagsa sa siyudad na ito mula sa iba’t ibang bayan ng Palawan, kabilang ang Narra, Quezon, Brooke’s Point, at Riotuban upang maghasik umano ng takot; pinagbabantaan ang mga botante at pinagbabawalang bumoto bukas.

Nabatid na nakasuot ng berdeng kamiseta ang mga nasabing motorcycle rider at may bitbit na yantok, na umano’y nagbantang gagamitin sa mga botante na susuway sa ipinagbabawal ng mga ito.

Napag-alaman na tumatanggap umano ang nasabing mga motorcycle rider ng P700 kada araw upang takutin at bantaan ang mga botante sa lungsod, partikular na ang mga sumusuporta kay dating Mayor Edward Hagedorn.

Muling kumakandidatong alkalde si Hagedorn, sa ilalim ng Liberal Party.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa mga ulat, ang nabanggit na mga motorcycle rider ay pakawala ng mga pabor sa re-electionist na si Mayor Lucilo Bayron, kaalyado ni Palawan Gov. Jose Alvarez.

Sinabi ng pulisya na apat na motorcycle rider na ang napatay ng mga hindi nakilalang suspek, na ang huling insidente ay nangyari sa Barangay Sta. Lourdes nitong gabi ng Mayo 4.

Gayunman, naninindigan ang mga residente na boboto sila bukas, ngunit agad ding uuwi sa kani-kanilang bahay upang makaiwas sa anumang karahasan. (Danny J. Estacio)