Hindi lamang parangal at pagkilala ang maiaalay ng publiko sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines – Philippine Army, dahil makapagbibigay tulong din ang lahat sa gaganaping benefit race event sa Mayo 22, sa Quirino Grandstand, Luneta Park sa Ermita, Maynila.

Mula sa makukuhang pondo sa race event na “Pilipinas Run with the Stars” na inorganisa ng Streetwise Events Management and Public Relations , ido-donate ang 15% sa HERO Foundation o Help Educate and Rear Orphans, na siyang pangunahing organisasyon na namamahala sa pagbibigay ayuda sa mga naulilang anak ng mga nasawing sundalo ng militar.

Ayon kay Col. Jasper Pecson ng Civil Military Operations Group (CMOG) ng Philippine Army, malaking tulong at tunay na nagpapasalamat ang hanay ng kasundaluhan dahil maayudahan ng programa ang pag-aaral ng mga anak ng mga napaslang na sundalo.

Napapanahon rin aniya ang ganitong mga aktibidad upang mas mabigyan ng pansin, pagkilala, at parangal ang kabayanihan at mabatid ng publiko ang mapanganib na tungkulin ng mga sundalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“On a day to day basis, our Philippine Army Soldiers are willingly risking their lives for our freedom, sovereignty, independence, and in attaining a long lasting peace for our country. It is now high time to honor and give respect to them – our modern national heroes,” pahayag ni Pecson.

Tinatayang nasa 4,000 ulilang kabataan na ang nabigyan ng tulong at scholarships ng HERO Foundation mula ng itinatag ang ahensya noong 1998 sa pangunguna ni dating pangulong Corazon Aquino.

Maaaring tumakbo sa race categories na 3K na may entry fee na P400 ; 5K– P 500; 10K – P 650 ; at 16K – P 750.

Pwedeng magparehistro sa Unisilver Time sa Market Market, Glorietta, at Victory Mall; Royqueen sa SM Megamall, SM Marikina at SM Bacoor; Cardam’s Shoes sa SM North EDSA, at SM Fairview, sa Health Wave sa Robinsons Place Manila, Festival Mall ; at sa Maxs Restaurant- CCP Complex, Mabuhay Restop –Luneta Park, every weekend at sa Philippine Army Gymnasium sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Para sa karagdagang impormasyon , mag-log on sa Face Book at hanapin ang – Pilipinas Run with the Stars 2016 o tumawag/magtext sa (02) 498-0330, 0905-419-9967; at sa 0919-599-7675. (Angie Oredo)